Sunday, May 18, 2014

Answers to DQs

1. Using your knowledge about the 19th Century Philippines, how should a student like you act and respond to this EDCA? Do we really need this "10-year security accord"? What do you think are the advantages and disadvantages of entering into this kind of treaty with the United States?


Ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay nabuo dahil sa isyu tungkol sa West Philippine Sea (South China Sea). Sa ilalim ng EDCA, tutulungan ng United States ang Pilipinas na mapalakas ang pangdepensa nito kapalit ng pagpapagamit sa pwersa ng US ng ilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas (Mangosing, 2014). Nang pumunta ang pangulo ng US na si Barack Obama sa Pilipinas sa presscon sa MalacaƱang at tanungin ng dalawang reporter kung tutulungan ng US ang Pilipinas sakaling magkaroon ng gyera sa pagitan nito at ng Tsina, ito ang isinagot niya: “ There is enormous trade; enormous business that is done between the United States and China; a whole range of issues on the international stage in which cooperation between the US and China are balanced.“ (Tordesillas, 2014)


Ang EDCA ay resulta ng kawalan ng pagtitiwala ng pangulo ng Pilipinas sa kanyang mga nasasakupan; kaduwagan na baka hindi natin makayanang ipagtanggol ang ating bansa sakaling giyerahin tayo ng Tsina sapagkat sadyang hindi pa nga naman tayo handa sakaling magkagayon. Makatutulong ng malaki sa atin ang EDCA kung matutupad nga ang napagkasunduan. Ang kaso, sa sagot pa lang ni Obama sa tanong ng dalawang reporter, makikita na hindi naman ganun kaimportante ang Pilipinas para sa US. Gagamitin na naman nila ang ating bansa para sa pansariling kapakinabangan. Kapag nagkaproblema na ay iiwan lang naman tayo sa ere. Muli ay nalinlang na naman tayo ng kapangyarihan ng dayuhan.

Bilang isang estudyante, hindi ako magpapalinlang na muli sa paraan ng pananakop ng mga dayuhan. Kailangang manatili ang nasyonalismo sa aking isipan. Paghahandaan ko ang tamang panahon na kung saan ay magagamit ko ang aking mga natututunan upang paunlarin ang aking bayan at gawing TUNAY na malaya ang ating bansa.

2. Rizal says in his essay "The Indolence of the Filipinos" that "a man in the Philippines is only an individual, he is not a member of a nation". Since the ultimate goal of PI 10 is to build/form/strengthen our nationalism as a Filipino, how can you show/prove that we constitute a nation? Are you proud of being a Filipino? give some ways to show that you really love our country...

A nation often consists of an ethnic or cultural community. It has a common origin and early socialization. As what I have learned in our classes, the Philippines already has a cultural community even before the Spanish colonization. However, our indigenous culture was not totally preserved because of colonizers’ influences, though it was still practiced at some parts of the country, especially in Mindanao. But generally, at present, we are living a composite culture. Even if it’s not original anymore, it’s still a culture that we developed for years. I can prove that we are a nation because we practice the same culture such as being hospitable and family-oriented. In fact, Filipinos are always proud of their culture. They happily share it to non-Filipinos, and they do not let others criticize their nationality.

Filipinos have great minds. They are fast learners. That is why I’m very proud of being a Filipino. I love my nationality and my country, and I will show it in the best ways that I can. I will finish my studies and serve the country afterwards. I’ll always be proud of our culture. Most of all, I will share this calling (national consciousness) to my countrymen.

3. Read the article of Renato Constantino entitled "Veneration without Understanding". Do you think that the we are "venerating" Rizal without a deeper knowledge about his heroism? Give 3 Strengths and 3 Weaknesses of the essay.

Para sa akin, sapat na ang aking mga natutunan sa klase upang kilalanin si Rizal bilang isa sa mga bayani ng ating bansa.

Para sa akin, ito ang mga kalakasan ng sinulat na ito ni Renato Constantino:

1. Totoong pantay-pantay dapat ang pagtingin sa mga bayani ng ating bansa. Walang pinakabayani kumabaga sapagkat bawat isa sa kanila ay nagkaroon ng kontribusyon upang makamit natin ang minimiti nating kalayaan (sa mga Kastila).
2. Ang pagkabayani ni Rizal ay mukhang isipang Amerikano nga kaya masasabi na sa pagkilala kay Rizal bilang pinakapambansang bayani ay nagpapauto na naman tayo sa nananakop sa atin.
3. Totoong pinagdidiinan ni Rizal ang magkaroon ng reporma. (Ngunit hindi ibig sabihin ay iyon lamang ang dapat na ipilit. Kagaya nga ng pagbibigay niya ng babala sa Espanya sa The Philippines a Century Hence, kapag di pinagkaloob ang reporma ay magkakaroon ng rebolusyon. Ibig sabihin, bukas din si Rizal sa ideya na magkaroon ng rebolusyon. Ngunit ang sa kanya, kung madadaan naman sa reporma ay mas mabuti. Kaya dapat iyon muna ang unahin nating gawing plano kaysa rebolusyon agad kung saan marami ang mamamatay.)

Ito naman ang mga kahinaan:

1. Hindi totoo na kaya niya tinanggihan ang Katipunan ay dahil minaliit niya ang kakayahan ng kanyang mga kababayan. Alam niyang malakas tayo. Sa katunayan nga, mataas ang pagtingin niya maging sa mga kababaihan sapagkat sa liham niya sa mga kadalagahan sa Malolos ay malalaman natin na hinihikayat niya ang mga Pilipino na linangin ang kanilang talento dahil alam niyang malayo ang mararating ng ating bansa kapag lilinangin natin ang matalino nating pag-iisip.
2. Sinabi niya na si Rizal at ang propaganda ay may nasyonalismo ngunit walang ginagawa. Hindi totoo iyon sapagkat ang pagsusulat ng mga sulatin na makaiimpluwensya sa masa ay isang pagkilos.
3. Hindi totoong ang lahat ng ginawa ni Rizal ay pansarili lamang at hindi dahil sa pagmamahal niya sa bayan dahil kung hindi niya mahal ang bayan, hindi na siya babalik sa Pilipinas lalo na’t alam niyang ikamamatay niya ito.

4. After studying the life, works and writings of Jose Rizal, who is Rizal for you now??? Did our discussions and activities change your perception towards him??? or this only added to your confusion??? How can you use the knowledge you gained in the present situation of our country???

When I was in high school, my teacher in social studies told us that for her, Andres Bonifacio must be the national hero and not Dr. Jose Rizal because she believed that our independence was achieved because Bonifacio initiated the revolution and she sees Rizal as a reformist who wanted Philippines to be a province of Spain. She barely talked about the Calamba Hacienda incident and I did not really care about history during that time because our subject was actually Economics. Our teacher was a UP graduate and maybe she just adored Bonifacio that much that even after studying PI100, she did not like Rizal. I easily agreed to what she said and shared it to people when Rizal was the topic of discussion.

However, after studying the life and works of Rizal, I found him really fascinating. For me, he is the best model of the students because of his greatness in academics. Also, he is a model of nationalism and somehow, he deserves being remembered the way he is at present time. He influenced me as much as he influenced the people of his time. Because of him, the nationalism in me is burning. Also, he made me feel that dramas are not always a nuisance because expressing our feelings can inspire some people.

I came to like Rizal and I’m with him in his belief that education and nationalism is the key for the Philippines to be really independent. That is why I will do well in my studies and serve the nation after I graduate.

For me, the course is well taught because it changed my view about Rizal and I also enjoyed it.

Friday, May 16, 2014

The Rizal in Me

Nalaman kong labis talaga ang kawalan ng hustisya noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Kaawa-awa naman ang mga magsasaka noong panahong una. Marahil ay ang pagmamaliit din na ito ang dahilan kung bakit ganoon na lamang kababa ang tingin sa agrikultura hanggang sa kasalukuyang Pilipinas.

Bilang isang mag-aaral ng BS Agricultural and Biosystems Engineering, damang-dama ko ang mababang pagtingin na iyon. Inam kami kung lait-laitin ng iba. Kahit sa labas ng unibersidad, kapag may magtatanong kung anong kurso ko, ang kasunod ng sagot ko, "Anong trabaho noon? Magsasaka? Haha!". Nakaiinis lang talaga. Hindi nila naiisip na kung walang kumukuha ng ganoong kurso, hindi malilinang ang agrikultura sa ating bansa o lalong hindi na nalinang ang agrikultura! Ito rin ang hamon sa aming mga nasa linya nito. Dalawa kasi ang maaari naming pagpilian, ang magpakayaman sa ibang bansa, o ang maglingkod sa bayan. Ako, pinipili ko ang maglingkod sa bayan. Ito ang impluwensya ng PI 10, ni Rizal, sa akin. Balang araw, magiging tunay  na malaya rin ang ating bansa. At gusto ko sana, kabilang ako sa mga Pilipinong buhay na pinaglalaban at inaabot iyon.

Wednesday, May 14, 2014

Edukasyon at Nasyonalismo

Tinalakay namin ang The Indolence of the Filipinos, The Philippines a Century Hence, at Liham ni Rizal para sa mga Kadalagahan sa Malolos, Bulacan.

Sa Indolence of the Filipinos, diniscuss ni Rizal ang mga dahilan ng katamaran ng mga Pilipino. Isa rito ang klima. Ngunit lumabas na kolonyalismo ang pinakadahilan. Lumabas rin na hindi entirely eh ugali ng mga Pilipino ang pagiging tamad kundi tinatanggihan lang ng mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol ang pagsunod sa hindi makatwirang pamamahala ng mga prayle at ng gobyerno. Ngunit kung susuriing mabuti, naging tamad talaga ang mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol- tamad sa pagbuo ng pambansang kamalayan. Nilinaw din na kailangan natin ang edukasyon at pagkakaisa upang makalaya sa mga nananakop sa atin.

Sa kabilang banda, tinalakay naman sa Philippines a Century Hence ang nakita ni Rizal na magiging kalagayan ni Rizal sa loob ng isang daang taon. Sinabi niya na kapag hindi pinakinggan ng mga Espanyol ang repormang hinihingi ng mga Pilipino ay paniguradong magkakaroon ng rebolusyon. Kaya upang maging mapayapa ang lahat, sana ay pakinggan tayo ng Espanya dahil sila ang matatalo kapag nag-aklas ang mga Pilipino. Sinabi rin ni Rizal na napakahalaga ng edukasyon at pagkakaisa upang makamtan natin ang minimithi nating kalayaan. Kailangang malinang ang nasyonalismo sa isipan ng mga Pilipino upang maging handa tayo sa kalayaan na hinihingi natin. Para kasi kay Rizal, palalayain tayo ng Espanya kung makikita niya na kalevel na niya tayo. Ibig sabihin, kaya na nating maging mag-isa. Sang-ayon ako sa panukala ni Rizal sapagkat hindi dapat gumamit agad ng dahas dahil marami ang mamamatay kapag ganoon. Isip dapat ang ginagamit. Hindi dapat nagpapadalos-dalos sa ating pagdedesisyon. Makikita naman natin na sa kasalukuyan, hindi pa rin tayo tunay na malaya. Nauuto pa rin tayo ng malalaking bansa. Kagaya nga ng issue sa EDCA, kung handala lang sana tayo noong nagkaalitan sa teritoryo at napalakas natin ang ating sandatahan, hindi tayo mapapa-oo sa EDCA na iyon. Kailangan talaga ay maging edukado tayo at mahubog and nasyonalismo sa ating mga isipan.

Natuwa ako sa liham ni Rizal para sa kadalagahan sa Malolos. Inalis kasi ang mababang pagtingin sa mga babae. Pinaramdam niya na pantay-pantay lang tayo ng karapatan sa mundong ibabaw kaya dapat hindi hayaan ng mga babae na maging mangmang sila. Higit sa lahat, para kay Rizal, importante ang mga babae sa bansa dahil sila ang unang guro ng mga kabataan na siyang pag-asa ng bayan. Sadyang naging inspirasyon sa akin ang liham kaya naaliw akong basahin iyon. Hindi na ako nagtataka kng bakit maraming nabighaning mga kababaihan kay Rizal dahil maging ako ay nabola niya gamit ang mabubulaklak niyang pananalita. Biro lang.

Friday, May 9, 2014

Sibilisasyon

Tinuloy ang reporting tungkol sa Noli at El Fili. Pagkatapos ay  nagreport ang unang grupo tungkol sa Sucesos de las Islas Filipinas. Natutunan ko ang kahalagahan ng komentaryo ni Rizal sa aklat na iyon. Pinaglaban ni Rizal na tayo ay may sibilisasyon na bago pa dumating ang mga Espanyol. Ibig sabihin kaya naman nating maging independent. Hindi natin kailangan ang pamamahala nila dahil mayroon naman na tayo noon.

Ang anotasyon ay ginawa ni Rizal matapos ang Calamba Hacienda issue kaya makikita natin na matapos iyon ay humahanap na siya ng paraan upang mapatunayan na kapantay natin ang Espanya at kaya na natin maging mag-isa.

Wednesday, May 7, 2014

Pagpansin

Nagkaroon ng quiz tungkol sa mga piling kabanata ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Masaya ako dahil nakapasa naman ako sa quiz. Nanghihinayang nga lang ako na hindi ko natapos ang pagbabasa. Kung natapos ko lang eh sana perfect na! Sa kabilang banda, naenjoy ko naman ang pagbabasa ng mga piling kabanata. Tinulak ako ng mga iyon na muling basahin ang kabuuan ng mga nobela ni Rizal na iyon upang tingnan pa ng higit na malalim kaysa sa pagtingin ko sa kanila noong hayskul.

Nagkaroon din ng quiz contest tungkol sa kabuuan ng dalawang aklat. Nalungkot ako dahil grupo namin ang pinakamababa ang nakuhang score. Ang hina ng memory ko. :(

Monday, May 5, 2014

Aking Talambuhay

Isinumite namin ang aming talambuhay. Minadali ko ang paggagawa nung sa akin dahil nawala sa isip ko na deadline na pala. Siguro mga dalawang oras ko lang ginawa yung akin. Pero sobrang naenjoy ko ang pagsulat ng aking talambuhay sapagkat nakapagbalik-tanaw ako sa aking mga karanasan sa buhay. Nalaman ko ang mga pagbabago sa aking mga pananaw at napagtanto kung ano talaga ang mga bagay na pinahahalagahan ko.

Ito ang aking isinumite:

Kapag Pag-ibig ang Naghari
            Noong ika-1 ng Enero, taong 1995, sa lungsod ng San Pablo, probinsya ng Laguna ay ipinanganak ako. Janina Gaile ang ipinangalan sa akin ng aking mga magulang; ang Janina ay nagmula sa pinagsamang pagkakasalin sa Ingles ng buwan at araw ng aking kapanganakan- JANuary NINE, at ang Gaile naman ay ibinahagi ni Mama Glo, kapatid ng aking ina, sapagkat mas magiging maganda raw pakinggan kung dadagdagan ng gayon.
            Ang aking ama ay si Pedro Mendoza Palad at ang aking ina naman ay si Ma. Cristina Matunan Palad. Si Papa (tawag ko sa aking ama) ay hindi nakatapos sa kanyang kursong Civil Engineering ngunit kahit gayon ay nagsikap siya na buhayin ang aming pamilya. Sa kasalukuyan ay carer siya sa London, England. Mag-aanim na taon na siya roon at buhat nang makarating doon ay hindi pa siya umuuwi rito. Ang pangako niya sa amin ay uuwi siya kapag napagtapos na niya ako sa pag-aaral ko rito sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Dahil dito, masasabi kong isa siyang bayani na naglalakbay upang matupad ang misyon niyang tumulong na mahubog ang isang iskolar para sa bayan at kapag natapos ang kanyang misyon ay babalik na muli sa kanyang bayan. Kahit na malayo ang haligi ng aming tahanan, matibay pa rin ang samahan ng aming pamilya. Ito ay dahil sa pangunguna ni Mama (tawag ko sa aking ina). Natapos ni Mama ang kanyang kursong Commerce ngunit nang mag-asawa ay tumigil na siya sa pagiging empleyado. Sa halip, nagtayo sila ni Papa ng pansariling kabuhayan- paggawa ng skinless longganisa upang masubaybayan niya kami. Tinigil lang ito noong nakaalis si Papa ng bansa. Ang aking ina ay napakabuti. Binibigay niya lahat ng aming hingin kapag kaya niya itong ipagkaloob. Nakasuporta siya sa lahat ng bagay na nais naming gawin, maging sa lahat ng desisyon namin sa buhay. Malaki ang pagtitiwala niya na hindi kami gagawa ng kahit anong magpapasama ng loob niya. Gayon niya ipinararamdam ang pagmamahal niya sa amin (bukod sa pagbibigay ng mga pangunahin naming pangangailangan). Dahil dito, masasabi kong lumaki kaming mabubuting mga anak at may malaking takot sa Panginoong Diyos. Siya ang tipo ng ina na mapagsasabihan mo ng problema at mahihingan ng mga pagpapayo.
            Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid. Si Verazon Palad ang aming ate (nakatatandang kapatid na babae), 22 taong gulang, at si Hezain Palad, 14 taong gulang naman ang aming bunso. Si ate ay tapos ng kursong Information Technology at empleyado ngayon sa isang distributing company sa San Pablo, Laguna. Labis kong hinahangaan ang aking ate. Mabait at maalalahanin siya. Noong mawalan ng hanapbuhay si Papa ay buong tapang niyang sinuportahan ang aming pamilya sa abot ng kanyang makakaya. Siya rin ang unti-unting nagpapaayos ngayon ng aming munting tahanan. Ang bunso namin ay kasalukuyang nasa sekondarya. Napakagaling niyang gumuhit. Malambing din siya. Minsan nga lang ay nagtatalo kami sa mga maliliit na bagay ngunit kahit gayon, alam naming mahal namin ang isa’t isa.
            Tunay na maipagmamalaki ko ang aking mga mahal sa buhay. Sila ang nagpapalakas sa akin kapag ako ay nanghihina. Ito rin ang dahilan kung bakit linggo-linggo ay sabik na sabik akong umuuwi sa aming tahanan. Isa pang dahilan ng aking kasabikan sa pag-uwi ay ang makapaglingkod sa Panginoong Diyos at makasama ang aking mga kapananampalataya sa loob ng Iglesia ni Cristo. Masasabi kong ito ang naging susi ng aming pamilya sa pagkakaroon ng magandang samahan. Ang pananampalatayang ito rin ang gumagabay sa aming magkakapatid kaya hindi kami gumagawa ng masama.
            Ako ay nag-aral ng elementarya sa Paaralang Sentral ng Del Remedio, Brgy, Del Remedio, San Pablo City, Laguna. Nakilala ko rito ang aking mga tapat na kaibigan na sina Czhareen, Mariejean, Joana Marie, at Keith John. Bukod sa mababait na kaibigan, maraming pinagkaloob na karunungan sa akin ang paaralang ito. Hinding-hindi ko malilimutan ang aming gurong si Ginang Madrideo noong nasa ikaapat na baitang kami. Siya ang nagpalabas ng aking kagalingan sa Matematika. Nagtiwala siya at hinayaan akong lumaban sa mga paligsahan. Unang beses ko pa lang iyon at nanalo kami ni Keith John ng ikatlong pwesto sa aming distrito. Ito ay isang mahalagang bahagi ng aking buhay sapagkat ito ang nagtulak sa akin upang pagbutihin pa ang aking pag-aaral. Nagtapos ako ng elementarya bilang Salutatorian ng aming klase.
            Dahil hindi gaanong maganda ang kalagayan ng aming buhay noong makapagtapos ako ng elementarya, pinilit kong makapasok sa Laguna State Polytechnic University Laboratory Science High School San Pablo City Campus sapagkat kahit na mababa ang matrikula ay maganda pa rin ang kalidad ng edukasyon. Dito ay hinubog kami sa pagiging responsable ng aming prinsipal na si Dr. Chua. Lagi niya kaming pinagagalitan kahit konting pagkakamali lamang sapagkat sabi niya noon, ayaw niya na para kaming mga walang pinag-aralan kapag lumabas na kami sa unibersidad. Nang mga panahong iyon ay takot at sama ng loob ang  nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko akalaing tatanawin kong malaking utang na loob ang kanyang paghihigpit sa amin sapagkat kung hindi dahil doon ay hindi ako makapapasok at makapananatili dito sa UP. Isa siya sa magiging dahilan sakaling ako ay magtagumpay sa aking buhay.
            Nasa ikaapat na taon ako sa sekondarya nang ako ay magmahal. Mas matanda siya sa akin ng isang taon at kumukuha siya ng kursong Civil Engineering dito sa UP. Naging magkasintahan kami hanggang sa makatapos na ako ng sekondarya at pumasok na rin sa UP. Dahil magkaparehas kami ng nararanasan ay tumagal kami ng tatlong taon. Nitong Enero 1, 2014 ay nakipaghiwalay ako sa kanya dahil masyado akong naging abala at maligaya sa piling ng aking mga kaibigan (sina Yuni, Jamina, at iba pang kakurso) na nabago bigla ang aking isipan. Napagtanto ko na masyado pang maaga upang pumasok sa isang relasyon dahil mahaba pa ang aming lalakbayin at marami pang darating na mga problema; na dapat ay bigyan muna namin ng kalayaan ang aming mga sarili upang mas maging mabuting tao pa; na dapat ay sa pamilya at pag-aaral ko muna ilagak ang aking atensyon at panahon. Ngayon ay mabuting magkaibigan kami at bukas naman kami sa ideya na maaaring kami pa rin ang magkatuluyan sa tamang panahon.
            Hindi rin nagtagal ay may nagustuhan ulit ako. Ang masakit dito, hindi kami parehas ng nararamdaman. Nakaapekto sa akin ng lubusan ang pangyayaring ito, higit sa lahat, sa aking pag-aaral. Bumaba ang aking mga marka at nawala ako sa direksyon na aking tinatahak. Napakahalaga ng pangyayaring ito para sa akin. Mula sa isang magandang relasyon ay ito ang aking kinahantungan. Natutunan kong hindi lahat ng mga bagay ay maaayon sa ating kagustuhan o sa ating napagplanuhan. May mga bagay na hindi nakatalaga sa atin. Ngunit dapat pa ring maging positibo at itatak sa isip na ang mga bagay na nangyayari ay para sa ating ikabubuti kaya dapat ay masaya nating ipagpatuloy ang ating buhay.

            Sa kasalukuyan, nakatuon ang aking isipan sa pag-aaral. Ang hangad ko ay matapos ang aking kurso sa tamang bilang ng taon at makapagbigay ng karangalan sa aking mga magulang at mga mahal sa buhay.

Wednesday, April 30, 2014

Calamba Hacienda

Nagkaroon ng trial tungkol sa Calamba Hacienda Issue. Noong una, tinamad akong basahin ang tungkol dito. Ngunit nang mabasa ko na, sobrang naenjoy ko iyon sapagkat nakapupukaw talaga iyon ng atensyon, lalo na at iyon ang turning point ng buhay ni Rizal. Nakalulungkot nga lamang dahil mahiyain ako masyado at hindi nakasagot sa trial.

Salamat sa kaalaman tungkol sa Calamba Hacienda. Dahil dito ay naging interesado ako sa buhay ni Rizal. Ang paborito ko sa parte ng kanyang buhay ay Calamba Hacienda talaga. Ngunit nabagbag din talaga ang aking kalooban sa sinapit ni Teodora Alonzo, ina ni Rizal. Sa mga palabas ko lang kasi inaasahan ang mga kontrabida na nambibintang sa mga inosente. Pati pala sa realidad. Sadyang masama lang talaga ang daigdig.

Sa kabilang banda, nalungkot naman ako sa love story ni Rizal. Nakababaliw nga siguro talaga kapag hindi mo nakatuluyan o nakasama iyong taong tunay mong iniibig. Kaya naman hanggang sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay kasama pa rin si Leonora as Maria Clara.

Sadyang kahanga-hanga si Rizal, bayaning maituturing!