Wednesday, April 23, 2014

Bayani

Natutunan ko na ang isang bayani ay dapat na naglalakbay upang tuparin ang kanyang misyon. Pagkatapos noon ay babalik siyang muli sa kanyang bayan. Ito ay ayon kay Zeus Salazar. Dahil sa paliwanag na ito tungkol sa konsepto ng bayani, naalala ko ang aking ama na isang OFW. Para sa akin kasi ay isa siyang bayani. Masaya akong malaman na hindi lamang ako ang maaaring magkaroon ng ganitong pagtingin sa kanya kundi maging ang lipunan ay maaari silang tingnan na mga OFW bilang mga bayani.

Ang pinakagusto kong kahulugan ng isang bayani ay "taong handang tumulong nang hindi naghahangad ng kapalit". Kaya pala ginagamit ang terminong bayani sa pagmamahal nang tunay sapagkat kapag totoong nagmamahal, hindi humihingi ng anomang kapalit. Parang pagmamahal ng isang ina.

Naaliw ako sa pagkakaroon ng ranggo ng mga bayani noong unang panahon gaya ng Maniklod, Hanagan, Kinaboan, Luto, at Lunugum. Kapag pag-uusapan ang sinaunang panahon, "Game of Thrones" ang aking naiisip dahil pareho sila ng pinararamdam sa akin.

No comments:

Post a Comment